Ang Pagdiriwang ng Ika-118 Anibersaryo ng Unang Halalang Sibil sa Asya

Noong ika-6 ng Mayo 2017, naganap ang makasaysayang pagdiriwang ng ika-118 taon ng unang halalang sibil sa Asya. Ang nasabing pagdiriwang ay pinamunuan ni G. Pedrito Cabingao o mas kilala sa tawag na Batang Baliwag.

Ang unang halalang sibil ay naganap sa Plaza Publica de Baliwag noong ika- 6 ng Mayo 1899 sa ilalim ng pamamahala ni Hen. Lawton. Ang nasabing halalan ay gumamit  ng “viva voce” o “word of mouth” sa salitang ingles. Dito ay nagwagi si G. Francisco Guerrero bilang unang nahalal na “Presidente Municipal”.

Sa unang parte ng programa ay naganap ang Sikadsaysayan o “fun ride” na dinaluhan ng higit kumulang na isandaang (100) siklista. Sila ay umikot sa dalawampu’t pitong (27) barangay ng bayan ng Baliwag. Nagtapos ang nasabing fun ride sa “Glorietta Park” at dito ay nagkaroon din ng kaonting pa-raffle para sa mga lumahok sa nasabing fun ride.

18336912_1719592514723112_1398461224_n.jpg

Credits to Mr. Pedrito Cabingao (Batang Baliwag)

Natunghayan din ng mamamayang bayan ng Baliwag ang pag-aalis ng tabing sa marker o panandang pangala-ala. Ang simbolikong gawain ay pinangunahan ng ating  pinakamamahal na punong bayan, Igg. Ferdinand V. Estrella. Dumalo din sa nasabing pagdiriwang si Dr. Jaime Veneracion upang katawanin ang samahan ng SAMPAKA, si G. Johnnie Gonzales ng PASAKABA, sina G. Edwin Bautista at G. Zaldy Tomacruz ng “Tourism Office”, at  Kon. Joel Pascual upang katawanin naman ang “Committee in Tourism and Council”

18360781_1719589331390097_1352127416_n.jpg

Sadyang napaka yaman ng bayan ng Baliwag sa kasaysayan. Kung kaya’t bilang isang mamamayan ng bayan ng Baliwag, taas noo nating ipagmalaki ang ating bayan.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s