Pag-isyu ng prangkisa sa mga bagong aplikasyon hindi na pinapayagan.

Nagorder ng pagpapatigil sa pag-isyu ng prangkisa ang Baliwag Tricycle Franchise Board matapos na madiskubre na pawang mga bagong aplikante na lamang ang mga nag sisipag pasa ng aplikasyon. Matatandaan na pinabinuksan ang prangkisa upang makakuha lamang ng prangkisa ang mga Baliwagenyong hindi makakuha ng prangkisa dahil umano kailangan pa ng sapi o numero mula sa TODA na nagpapabayad ng hindi bababa sa tatlong libo hanggang dalawampung- libong piso.

Pinuputol ng BTFRB ang ganitong maling pagpapatupad ng regulasyon ng mga samahan sapagkat nakakagipit pa ito sa mga tricycle drivers na Baliwagenyo na walang pambili ng sapi o kung may pambili man ng sapi ay inutang lamang at ipinapapasan sa mga mananakay.

Hindi Pabor sa Baliwagenyo

Ang mga nakaraang polisiya at ang hindi tamang pagpapatupad ng mga regulasyon ay nagdulot ng hindi kapaburan sa mga tricycle drivers na Baliwagenyo. Naging mas mahalaga ang sapi sa halip na prangkisa sapagkat, kailangan pa muna ng sapi bago maisyuhan ng prangkisa. 

Iba ang naging pagtingin tuloy sa sapi, kumbaga ay nagkaroon ngnartipisyal na merkado para sa bentahan ng sapi kaya’t tumaas ito ng husto. Akala ng iba, kapag mayroon kang sapi ay parang titulo na pwede ipasa o ipamana. Kaya’t kahit mahal ay binibili ito. Ang problema ay ipinapasa din nila ito sa mga pasaheros kaya’t tumaas ang pasahe. Nakalulungkot ay kapag walang pambili ng sapi ang isang taga Baliwag ay nauuwi lamang ito sa pagbebenta kahit sa mga taga ibang bayan. Ang mga ibang Baliwagenyong  may tricycle ngunit hindi makabili ng sapi ay hindi nakakapamasada sa bayan. 

Regulasyong Patas, Regulasyong may Malasakit

Simula na ito ng implementasyon ng mga regulasyon upang makabawas sa dami ng bilang ng namamasada sa Baliwag. 

Kapag hindi binawasan ang bilang ng tricycle ay hindi bababa ang pasahe dahil hindi pa din kikita ang mga tricycle drivers.

They will continue to charge their daily operational costs to the passengers. Kung ang isang tricycle driver ay makakabiyahe lamang ng 3 o 4 na beses at kailangan niyang bayaran ang boundary, gasolina, butaw at piyesa at isama pa diyan ang dapat niyang kita,  siguradong tataasan nito ang singil upang kahit papaano ay makuha niya ang mga pambayad sa gastos at makapag-uwi man lang ng kahit kaunting kita sa pamilya.

Sa ngayon ay mayroong 4,000 tricycle sa Baliwag na miyembro ng Baliwag Toda at 7,000 hindi taga-Baliwag. 

Kailangan bawasan ito at magkaroon ng mga terminal to terminal scheme upang magkaroon ng mga tamang bilang ang mga tricycle sa kani-kanilang linya. 

Ariel vs Surf

Ang matinding pagtaas ng presyo ng pasahe ay nagdulot ng paglipat ng mga pasahero o consumers sa substitutes o alternatives. Sa sikolohiya ng isang mamimili, kapag hindi na sapat ang kanyanb pambili ay pupunta ito sa tinatawag na alternatives o substitutes. 

Halimbawa, kahit na gusto ng isang nanay ang Ariel na panlaba ngunit hindi kasya ang kanyang pambili, hahanap ito ng katulad din ng sabon na mura pero hindi sing mahal kaya’t bibili na lamang ito ng Surf.  Ganoon ang nangyari kung bakit bumili na lamang ng sari-sariling motor ang mga dating pasahero. Sa kuwentang gastos nila sa pasahe ay mas mabuti pa na maglabas sila ng single na motor kesa mag tricycle. Ito ang dahilan kung kaya’t kumonti pa lalo ang pasahero pero hindi kumonti ang namamasada. 

Let’s Face it

Panahon nang bawasan ang bilang ng tricycle at ipaunawa sa kanila na hindi na maganda ang kita sa paglalabas ng tricycle. Taliwas ang ginagawa ngayon ng mga  Unang ibabawas ay ang mga may

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s