Church Dedication of St. Augustine Parish – Baliwag

Church Dedication of St. Augustine Parish – Baliwag

1

Sa loob ng 283 taonna pagkakatatag ng Parokya ni San Agustin bilang Parokya ng mga Paring Agustino, nitong Ika-24 ng Abril ay matagumpay na naisagawa ang Church Dedication ng Parokya ni San Agustin. Marami ang nagtatanong kung bakit nito lamang nagawa ang pag-dedicate ng Simbahan. Ito ay sa kadahilanang noong mga nagdaang panahon ay masalimuot ang paghahanda para sa nasabing pagdiriwang. Una na itong pinilano ng ating dating Kura Paroko na si Msgr. Feliciano M. Palma Jr at ni Rev. Fr. Johann V. Sebastian.
Ano ba ang Church Dedication?
Ito ay isa sa pinaka Solemn na pagdiriwang sa Simbahang Katolika. Ayon kay Msgr. Andy Valera, Kura Paroko ng Parokya ni San Agustin, ito ay parang isang Binyag ng simbahan na kung saan, binabasbasan ang Simbahan ng Banal na tubig o Holy Water,

2pinapahiran ng Banal na langis ang Altar,

3iniinsensuhan,

5
binibihisan sa pamamagitan ng paglalagay ng Mantel at palamuti tulad ng mga bulaklak

6

Mayron din po itong 12 Krus na sumasagisag ng 12 Bayan ng Israel at mula sa kadiliman ay sinisindihan ang lahat ng ilaw ng simbahan at mga kandila.

r

Ang pagdiriwang na ito ay nangyayari lamang isang beses sa isang tinayong istrakturang Simbahan. Samakatuwid, ito ay hindi na mauulit gawin ang ganung seremonyas ngunit taon-taon, tuwing ika-24 ng Abril, ito ay ipagdiriwang ng ating Parokya bilang isang Pista ng Parokya. Itinaon ang pagdiriwang na ito sa isang matandang kapistahan ni San Agustin – ang Feast of St. Augustine Conversion.

Pinangunahan ni His Eminence Orlando Cardinal Quevedo – Cardinal mula sa Cotabado City, Mindanao. Kasama din ang mga Paring mula sa ating Bayan ng Baliwag at ng Obispo ng Diocese of Cubao na si Most. Rev. Honesto F. Ongtioco, D.D, Mos. Rev. Rolando Tria Tirona, O.C.D., Archbishop ng Caceres ng Bicol Region at ng Obispo ng Diocese of Malolos, Most. Rev. Jose F. Oliveros, D.D.

Kasama din ang ilang kinatawan mula sa ating Pamahalaang Bayan sa pangungun ni Gng. Sonia V. Estrella bilang kinatawan ng ating Punong Bayan. Dumalo din ang Kinatawan ng ikalawang Distrito ng Bulacan na si Cong. Gavinni Apol Pancho.

Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng ating Kura Paroko, Msgr. Andres S. Valera, G. at Gng. Lito at Amy Tengco at Pamilya at ang Hermano ng Pistang Bayan, Sir Knight Jorge Allan R. Tengco, KSGG katuwang ang bumubuo ng Sangguniang Parokya ni San Agustin at mga samahang Pangsimbahan.

*Mga larawang kuha ni G. Chinggoy Futol.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s