Konstruksyon ng iba’t-ibang Infrastructure Projects ikinakasa na.

Nakatakdang simulan na ang iba’t-ibang pagawaing bayan upang mas lalo pang mapagsilibihan ang ating mga kababayan. Ayon sa Pambayang Tagapangasiwa, nakatakdang simulan ang nga priority projects ni Mayor Ferdie Estrella na inaasahan na makatutugon sa problema sa trapiko at pagpapabilis ng serbisyo ng pamahalaan. 

Construction of BTECH Bldg

The access road from Lopez Jaena exiting at DRT Highway will decongest the BS Aquino Avenue, one of the busiest road in Baliwag.  The road will traverse from Lopez Jaena via Villa Cecilia and then exit at DRT Highway  via Bloomingdales. 

Sa kasalukyuyan ay nasa pinal na bahagi na ng negosasyon kasama ang anim na grupo na nagmamay-ari ng lupa. Inaasahan na ngayong Mayo ay magpipinal na upang makakuha ng permit to enter upang simulan ang kalsada na may lapad na 16 metro.

Baliwag Government Complex

Ang Baliwag Government Complex naman ay sisimulan nadin ang mga pagawaing bayan. Nakatakdang gawin ang mga kalsada at drainage nito kasama na ang probisyon sa sidewalk, entrances at street lighting sa halagang 11 million pesos.

Ang Baliwag Tennis Club ay sisimulan nadin matapos kailanganin ilipat ang dating tennis club sa Old Municipal Compound nang magamit na parking area.

Sa Orihinal na lokasyon naman itatayo ang Baliwag Polytechnic College na mayroong kabuuang 45 classrooms, 4 laboratories, at mga tanggapan sa tatlong magkakahiwalay na gusali. 

Ang 4 Million Baliwag Malasakit Center – Emergency and/Urgent Care Wing ay sisimulan na din upang maging 24 oras na ang operasyon ng ating Health Services. Ang mga may sakit o aksidente ay maaring dalhin dito at mamalagi hanggang isang araw lamang o hanggang mastabilize ang kondisyon ng pasyente para mailipat sa specialized hospital.

The land development, road construction at urban desigining streetlighting ng Baliwag Government Complex ay may budget na 11.5 million.

Go Negosyo at VIP Lounge


Ang DTI Go Negosyo naman ay itatabi sa Baliwag Pasalubong Center matapos at isang VIP Restroom Lounge. Ang proyektong ito ng Baliwag ay may layuning higit pang mailapit ang mga serbisyo ng nasyonal na pamahalaan lalo na ang may mga kinalaman sa hanapbuhay, trabaho at pagnenegosyo. 

Baliwag being the Trade Capital of Bulacan must host DTI because it will be very strategic given the volume of traders and msme’s in the municipality. In the last 6 months alone, Baliwag registered an increase of twenty percent in its business registrations. Having our own DTI Office and an office for the Chamber of Commerce and Industries of Baliwag will hopefully promote a more conducive, hassle-free business environment for Baliwag. 

Continutation of Urban Renewal 


Ipagpapatuloy naman ang urban renewal program ng Baliwag upang mas lalo pang mapaganda at maisaayos ang ating bayan. Matapos na gawing tisa ang arketikturang Baliwag batay na rin sa kayarian ng Baliuag Tower Clock, ang ikalawang bahagi ay magtutuloy sa nabinbin na proyekto sa paligid ng St. Mary’s College, Parokya ni San Agustin at sa gawi ng BPI Family Savings Bank. 


Bagong Streetlamp heads

Pinapalitan na ngayon ang 118 street lamp heads upang mas maging episyente ito sa pagkonsumo ng enerhiya. Tugon din naman ito sa mga nakalinyang programa ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag upang mabawasan ang epekto ng climate change sa ating bansa. 

Pangarap natin na mailawan ang kahabaan ng Makinabang hanggang Sabang at San Roque hanggang Tangos upang maging maliwanag ang kahabaan ng mga lanasangan sa Baliwag. 


Child-Friendly Infrastructure for Schools


Nakatakda din gawin ang mga loading bay ng mga pampublikong elementarya at highschool na paaralan sa Baliwag upang gawin itong ligtas para sa mga mag-aaral. Bukod dito ay pagpapare-parehasin din ang mga gate at parte ng mga bakod upang magkaroon lamang sila ng isang disensyong tugon sa arkitekturang Baliwag.

Baliwag Senior High Schools

With the sheer support of Baliwag to education in the last three years, Baliwag must double time to make up for the lost opportunities to bring back our students to highschools.

Sinimulan na ang Virgen delas Flores Senior High School . Nakatakda naman na simulang ang konstruksyon ng Sta. Barbara Highschool matapos na bumili ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag upang makahabol ito sa mga kakulangan sa mga classrooms at higit ay ang mailapit ang mga paaralan sa mga barangay. Sa isang survey na ginawa ng pamahalaang bayan ay ang mataas na pasahe ang pangunahing dahilan ng mga estudyante upang hindi magtuloy sa high school. 

Ang mobilization para sa Virgen DF SHS

Baliwag Museum

Ang Lumang Munisipyo ay nakatakda na din gawin isang pambayang museo matapos na maipagawa ang loob nito at may kontroladong temperatura upang maprotektahan ang mga yaman ng pamana na ilalagay dito tulad ng paintings at lumang mapa. Mayroon na din tayong nakausap upang maging Museum curator nang higit na mapangalagaan ang mga yaman ng bayan. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s