Baliwag formed a Special Inventory Team to address 2015 COA findings on PPE.

Bumuo ng isang Special Inventory Team ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag matapos na ito ay paulit-ulit na lumabas sa Audit Observation Memorandum batay sa COA Audit Report 2015. Matatandan na lumabas sa finding na ang Property, Plant Equipment ay bansagang unreliable. 

Ayon kay Municipal Administrator Enrique Tagle, nais ni Punongbayan Ferdie Estrella na maisaayos ang mga naging findings ng COA, lalo na at ito ay may kinalaman sa pagsinop at pangangalaga ng mga pag-aari ng bayan.

When you say unreliable, it is because, there’s actually no proof of the existence of the properties indicated in the book of accounts. For the longest time, hindi maayos na narerecord at nagkakaroon ng recording and memorandum receipts of government properties. In fact, you see, when we assumed, ang daming aircon na wala, and even computers pati na upuan. That should have never happened, if there were proper MRs. Since our direction is to computerize, that will help alot in securing government properties. That is stewardship, serbisyong may malasakit.

Pinamumunuan ni Gng. Teresita Fabian ang Inventory team at mayroon siyang tatlo pang miyembro. Gumagamit sila ng e-tablet at barcode sa pagtag ng mga gamit ng pamahalaan at isa-isa itong nilalagyan ng barcode sticker.

GSO to lead Titling

Samantala, ang General Services Office ay inatasan na patituluhan ang mga lupang pag-aari ng bayan sapagkat, karamihan dito ay panahon pa ng Español at naaagnas na. Ang mga mahahalagang records ay binigyan din ng direktiba na isabay sa digitization program batay sa itinadhana ng National Archives Law.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s