Schedule of Activities ng Buntal Festival 2017, inilabas na!

Matapos aprubahan ng Tagapangulo ng Buntal Festival 2017 na walang iba kung hindi si Punongbayan Ferdie V. Estrella ay inilabas na umano ang kalendaryo ng mga aktibidad para sa kabatiran ng lahat. Sinasabing ang buntal festival ay hindi lamang tungkol sa Buntal Hat o sa isang produkto lamang bagkus ay isa lamang itong simbolismo ng mga katagian ng isang maglalala – sipag, tiyaga, pagmamahal sa trabaho, mahusay, pulido at higit sa lahat dekalidad.

Magsisimula ang buntal festival sa pamamagitan ng pagbubukas sa May 5 ng magfood trip ka sa Baliwag.

MAY 6 TO 15

Ang Sikadsaysayan ay magtuturo naman sa atin ng mga mahahalagang lugar sa ating bayan sa pamamagitan ng pagsikad ng bisikleta. Kasama ang PASAKABA, aalisin naman ang tabing at pasisinayaan ang unang historical at cultural marker na ititindig kaugnay naman sa paggunita ng unang halalang sibil sa Asya na ginanap sa Plaza Publica de Baliwag.

SLAM SKATEBOARDS COMPETITION naman ang inihanda para sa May 7 at ito ay gaganapin sa SM Terminal.

Ito naman ay susundan ng Araw ng Barangay sa Mayo 8 kung saan ilulunsad ang BIDA o ang Barangay Initiatives for Development Awards. Dito hinihikayat ang mga barangay na maglunsad ng mga programang may inobasyon, kakaiba at nakapaghahatid ng serbisyong may malasakit.

Ang Buntal Basketball Cup ay labanan ng mga koponan ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa Bulacan ay nakatakda sa May 9.

Handa ka na bang sabihin lahat? Handa ka na bang aminin lahat? Magkita tayo. May 12, 6pm. Harap ng Munisipyo. Sasabihin ko lahat. Aaminin ko lahat. #HugotAtHarana

Ang mga GBB contestants naman ang magpapakitang gilas sa madla sa May 13 para sa kanilang Talent Competition.

Sa May 13 ng umaga ay ang Fancy Pigeon Show o karera ng mga kalapati at MoToGymkhana ang magpapasikat sa SM Open parking sa May 14.


Sa May 18 ay ang Balik Baliwag Quiz Bee sa Montessori de Sagrada Familia Gym.

Muli naman paparangalan ng bayan ang mga natatangi nitong anak na nagpamalas ng kahusayan at kagalingan sa kani-kanilang mga larangan. Isasabay na din dito ang pagkilala sa mga kaagapay ng Pamahalaang Bayan sa pagpapaunlad ng bayan sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis. Ilulunsad din natin ang FVE Star Badge para sa mga establisyimento na makakatupad sa limang sangay ng priority programs ng BALIWAG.

ANG FVE STAR BADGE ay nakasentro sa pagtupad sa Kalikasan at Kalinisan, Public Safety, Disaster Preparedness, Social Protection at pagbabayad ng buwis.

Sa Greenery naman ang Pre Pageant Program para sa Ginoo at Binibining Baliwag.

BALIWAG Business Forum at Baliwag Agri Fair Tech ay sa magkasunod na araw naman ng Mayo 23 at Mayo 24. Kapartner ng Investment Promotions Unit dito ang Globe Telecoms at Go Negosyo ng DTI.

Magpakwan ka!

Pakwan Festival naman ang itatampok ng Barangay Tarcan. May misa ng pasalamat sa umaga ng May 26 sa Pasalubong Center.

Color Fun Run, Wish 107.5 at Parokya

Isang Fun Run naman ang gaganapin sa pangunguna ng MENRO Baliwag.


Ang Wish 107.5 ay mamamasyal sa Baliwag hanggang kinagabihan kung saan naman tampok ang sikat na banda na Parokya ni Edgar.

Koronasyon ng Ginoo at Bb. Baliwag at Pyrotechnic Competition sa Plaza.

Ang koronasyon at final night naman ay gaganapin sa May 27 sa Baliwag Star Arena

 

 

 

Susundan ito ng isang Pyrotechnic Competition bilang pagtatapos ng buntal.

 




Advertisements

One thought on “Schedule of Activities ng Buntal Festival 2017, inilabas na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s