PACC “Serbisyong May Malasakit Hotline”, Sandigan ng mamamayang Baliwagenyo

Matapos maupo bilang Mayor ng bayang Baliwag si Mayor Ferdie Estrella ay sinimulan nya ang iba’t ibang proyekto na makapaghahatid ng mabilis na serbisyong pampubliko para sa mga mamamayang kanyang nasasakupan. Isa na rito ang pagtatatag ng tanggapan ng Public Assistance and Complaints Center (PACC) o Serbisyong May Malasakit Hotline, kung saan ay hindi na kinakailangan pang magsadya pa ng personal sa tanggapang ito upang humingi ng tulong. Isang text o tawag mo lamang ay kaagad nang may magigiliw na staff na handang sumagot sa iyong mga katanungan o di kaya’y tulong na kinakailangan.

 STAR HOTLINE

Gamit ang mga numerong madaling tandaan dahil sa palatandaan nitong salitang “STAR” ay magiging tiyak na mas madali at mas mabilis ang pagkontak, gayundin ang pahahatid ng serbisyo at tulong sa mga mamamayan. Ang 0917- 505 (STAR)- 7827 at 0939- 999 (STAR)- 7827, ay maaari nang kontakin ng bawat mamamayang Baliwagenyos para sa kanilang reklamo, pagsangguni, suhestiyon, report, emergency at tulong na kinakailangan. Sa pamamagitan din ng pagagamit o pagkontak sa mga numerong ito, ay may mga pangyayari o di kaya’y sitwasyon na mabilis na mabibigyang lunas o aksyon.

 EMERGENCY NUMBER

Magmula sa mga simpleng pagsangguni o suhestiyon, katanungan patungkol sa pamahalaan, balita sa ating bayan, reklamo at report lalo na sa mga emergency situations gaya ng aksidente, kalamidad o sakit ay kaagarang nabibigyang lunas dahil sa mabilis na pagkontak sa ating Serbisyong May Malasakit Hotline. Ang PACC din ang responsable sa pagbabato o paghahatid ng bawat report o impormasyong natanggap mula sa mga mamamayan patungo sa mga tao o departamentong concern o marapat lang na umaksyon ng kaagaran dito. Samakatuwid ay talaga namang napabilis ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa bawat isang nangangailangan dahil sa makabagong sandigan ng mamamayan. Proyektong hindi lamang nasa isip lang kundi ginawa at ipinatupad ng ating mahal na punong bayan sa paghahangad na maramdaman ng bawat isa ang serbisyong walang kinikilingan at para sa lahat, Ang serbisyong may malasakit Hotline.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s