Ang Traysikel sa Baliwag, ang BTFRB at ang mga Pagbabagong Inilunsad

The National Government recognizes the role of the tricycles as the principal mode of public transport especially in non-urban areas. The operations of motorized tricycles shall be controlled and properly legalized with the end in view of instituting effective management thereof. Being primarily a non-urban mode of transport, local governments are hereby tasked to actively participate in the regulation of motorized tricycles. ~ Section 1, Declaration of Policy, Letter of Instruction No. 1482, s. 1985 (DIRECTING THE LEGALIZATION OF “COLORUM” MOTORIZED TRICYCLES)

BALIWAG, BULACAN. Sa kasalukuyan mayroong 9,110 na rehistradong traysikel sa bayan ng Baliwag. Sila ang bumubuo sa kabuuang apatnapu’t siyam (49) na Tricycle Owners and Drivers’ Association (TODA) sa bayan ng Baliwag. Tatlumpo (30) ay ang TODA mula sa dalawangput-pitong (27) barangay ng ating bayan. Ang labing-siyam (19) naman ay mula sa mga karatig na lugar katulad ng mga bayan ng Bustos at San Rafael sa Bulacan, at Candaba sa Pampanga.

data=RfCSdfNZ0LFPrHSm0ublXdzhdrDFhtmHhN1u-gM,6l5xSn0_O0klU0mbrqV4W_bgHy-vYd8aJkdslRpqOw9B46O2X5zQwGLs7kRRgy2Cv6wppbAywUA4J0AS0NEitXez8jUPa2WyevBBqactWJagXCktog5WnzETAxwYu2caA0xLV6y4nUojg
The town of Baliwag as shown in the map

Ang heograpikal na posisyon ng Baliwag at ang istratehikal na pagkakalapat ng mga pangunahing kalsada katulad ng Baliwag-Candaba Avenue (Benigno S. Aquino Avenue), Old Cagayan Valley Road (Calle Rizal) at ang Doňa Remedios Trinidad Highway (Daang Maharlika) ang nagkukunekta para maging daanan papunta sa mga negosyo, paaralan at trabaho sa bayan ng Baliwag. Isama mo pa ang mga kalyeng daluyan ng trapiko patungo sa Plaza Naning (Glorieta Park) at Pamilihang Bayan.

Dahil na rin sa natatanging gampanin ng traysikel sa larangan ng transportasyon sa mga lansangan ng Baliwag, isa rin ito sa kabuhayan ng karamihan ng mga Baliwagenyo. Sa murang halaga ng isang unit, at sa maraming paraan para magkaroon nito, halos kahit sino kayang magkaroon ng traysikel.

Subalit, ang epekto ay higit na makikita sa pagkapal ng mga bumabiyaheng sasakyan sa bawat lansangan. Karamihan rito ay mga traysikel pamasada. Isa ito sa maraming isyu kung bakit pinagtibay ang Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB).


I. LEGAL NA BASEHAN

Subject to the guidelines prescribed by the Department of Transportation and Communications, regulate the operation of tricycles and grant franchises for the operation thereof within the territorial jurisdiction of the municipality. ~ Book 3, Title 2, Section 447 (a)(3)(vi) of the Local Government Code of 1991

Ayon sa batas, ang Sangguniang Bayan ng Lokal na Pamahalaan ay may kapangyarihan na pangasiwaan ang operasyon ng mga traysikel at pagkakaloob ng prangkisa para rito sa nasasakupan nitong teritoryo (munisipyo).

A. Ordinansang Nagbigay Kapangyarihan sa BTFRB

Kaya sa bisa ng Kautusang Bayan Blg. 1, Taong 2004 (Isang Kautusang Bayan Pagpapatupad ng mga Alituntunin sa Pagkakaloob ng Prangkisa sa Traysikel na Tatawaging “Baliwag Tricycle Ordinance of 2004 sa Bayan ng Baliwag, Bulakan”), binuo ang Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board o BTFRB (Seksiyon 4). Pinagtibay ito nina dating Vice Mayor Ferdinand T. Cruz, Tagapangulo ng Sangguniang Bayan, at dating Mayor Romeo M. Estrella, Punong Bayan.

Ayon sa nasabing ordinansa, ang BTFRB ay binubuo at pinamumunuan ng mga sumusunod: (1) Ang Punong Bayan – Tagapangulo; (2) Pambayang Ingat-Yaman; (3) Tagapangulo ng Peace and Order; (4) Tagapangulo ng Ways and Means; (5) Tagapangulo ng Tricycle Affairs; (6) Isang Kinatawan na magmumula sa Integrated Bar of the Philippines; (7) Pangulo ng TODA Federation; (8) Tagapangulo ng Suliraning Pambarangay; at (9) Kinatawan ng NGO/Civic Organization.

ordinance04252017
Copy of the initial page of Kapasiyahan Blg. 43, Taong 2004 (Isang Kapasiyahang Pagpapatupad ng mga Alituntunin sa Pagkakaloob ng Prangkisa sa Traysikel na Tatawaging “Baliwag Tricycle Ordinance of 2004” sa bayan ng Baliwag, Bulacan). This had been the basis of the creation of the Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB)

Gayundin naman, binigyan ng kapangyarihan (powers and functions) ang BTFRB sa mga sumusunod: (1) Magbigay o hindi magbigay ng pahintulot upang ang isang magtatraysikel ay makakuha ng MTOP; (2) Magtakda ng lahat ng bayarin para sa pagkuha ng MTOP; (3) Magbigay o hindi magbigay ng pahintulot sa pagbubuo ng bagong samahan o TODA; (4) May kapangyarihan na mag-imbestiga o duminig sa mga suliranin ng TODA; (5) May kapangyarihan na magtakda ng taripa ng pamasahe ng mga traysikel; 6) Magtakda ng RMC limit para sa mga papasadang traysikel sa Baliwag kada taon; (7) Kumilatis at sumuri ng mga financial statements ng bawat samahan/TODA; (8) Magpataw ng parusa sa mga opisyal ng TODA at maging ang mga miyembro nito na lalabag sa mga patakaran ng samahan ng TODA na kanilang kinapapalooban at maging sa mga umiiral na batas ng Pamahalaang Bayan; (9) May kapangyarihan na magtakda ng paradahan o pondohan ng mga traysikel sa Baliwag; (10) May kapangyarihan na mag-imbestiga ng reklamo laban sa mga traffic enforcers at magpataw ng karampatang parusa; (11) Magbigay ng Traffic Violation Receipt na gagamitin ng Traffic Enforcers; (12) Magtakda ng traffic re-routing scheme na naaayon sa pangangailangan; at (13) May kapangyarihan na lutasin ang lahat ng suliranin ukol sa mga usapin ng traysikel.

ROUTE MEASURED CAPACITY (RMC) is the number of trips to sufficiently meet the passengers demand.

B. Ang Kasalukuyang Executive Order

Sa kasalukuyan, sa bisa ng Executive Order 28, series of 2016 (Reconstitution of the Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board), ang BTFRB ay binubuo ng mga sumusunod: (1) Mayor Ferdinand V. Estrella, Punongbayan (Tagapangulo); (2) G. Enrique V. Tagle, Pambayang Tagapangasiwa (Pangalawang Tagapangulo, BTFRB); (3) G. Henry T. Cruz, Kinatawan ng Tanggapan ng Permiso at Lisensiya – Pagbibigay ng Prangkisa (Kasangguni, BTFRB); (4) Pinuno ng Baliwag Traffic Management Office – BTMO (Kasangguni, BTFRB); (5) Pangulo ng Pederasyon ng mga TODA sa Baliwag (Kasangguni, BTFRB).

17776576_10211172570424451_2094961135_o
The BTFRB listens to KServico representatives as the latter discuss the details of their Bajaj RE unit in relation to their application to include said unit as another public transportation vehicle can be allowed a local franchise with similar treatment as the traditional “motorcycle with sidecar”

II. MGA IPINASA AT PINAGTIBAY NA RESOLUSYON NG BTFRB

FROM THE AUTHOR: This section is an attempt to educate the readers on the recent developments on the subject matter. The enumeration below may be viewed as only a list or series of resolutions, however, it is intended for information dissemination purposes. From this list, we could derived the issues which had already been addressed, or is still needed to be remedied.

Mabigat na isyu ang pagharap sa natatanging suliraning ito. Subalit ito ay hindi dapat ipagsakibit-balikat lalo na sa (ng) isang bayan katulad ng Baliwag na mayaman sa lahat ng aspeto. Kaya sa higit na layunin, kailangang ito ay harapin.

Sa pamamagitan ng BTFRB, sinolusyunan ang mga problema hindi na lamang ng mga ukol sa trapiko at bilang ng traysikel sa bayan ng Baliwag, kundi maging ang sa pasahe, regulasyon, at maging ang relasyon ng TODA sa bawat isa, sa kanilang miyembro, sa kanilang mananakay, sa pamahalaan at maging sa mga establisyimentong kanilang nakakadaupang-palad.

Maliban sa mga batas na laan ukol sa TODA at traysikel, sinikap ring maging pamantayan sa bawat panukala ang iba ring mga umiiral na batas na may kinalaman sa traysikel, ilan dito ang R.A. 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999) at R.A. 10666 (Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015).

Naging bahagi rin ng mga programa ng Pamahalaang Bayan ang mga concerns ng TODA katulad ng pagbibigay sa kanila ng Free Annual Check-Up sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Health Office (MHO), at pagkakaloob ng mga Trainings at Livelihood Programs para sa mga drivers at kanilang pamilya sa pakikipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO).

18012856_10211330004400202_8963309_o
The Business Permit and Licensing Office (BPLO) receives application for tricycle franchise

A. Pagpupulong noong ika-28 ng Oktubre, 2016

  1. A Resolution Prescribing Requirements for Tricycle Owners and Drivers’ Association (TODA) Application here in Baliwag, Bulacan [Board Resolution No. 1 – 2016];
  1. A Resolution Transferring the Authority on the Issuance of Body Numbers for Tricycle Operators and Drivers to the Business Permit and Licensing Office (BPLO) [Board Resolution No. 2 – 2016];
  1. A Resolution Creating a Policy for Changing Motor Vehicle [Board Resolution No. 3 – 2016];
  1. A Resolution Creating a Policy in case the Motor Vehicle which has been given Motorized Tricycle Operators’ Permit (MTOP) is Sold [Board Resolution No. 4 – 2016];
  1. A Resolution Ratifying the Baliwag Tricycle Fare Matrix [Board Resolution No. 5 – 2016];
  1. A Resolution Approving the Release of Identification Cards (I.D.) for Baliwag TODA, and Issuance of I.D. and Fare Matrix for Non-Baliwag TODA [Board Resolution No. 6 – 2016];

B. Pagpupulong noong ika-10 ng Nobyembre, 2016

  1. A Resolution Prescribing that 70% of TODA Members should be Residents of the Barangay Espousing the TODA Name as an Additional Requirement for TODA Application Amending Board Resolution No. 1 – 2016 [Board Resolution No. 7 – 2016];
  1. A Resolution Establishing “One TODA, One Barangay” Policy [Board Resolution No. 8 – 2016];
  1. A Resolution Requiring the Registration of Private Motorized Tricycles Traversing the Roads of Baliwag, Bulacan, and Prescribing the Requirements for this Purpose [Board Resolution No. 9 – 2016];
  1. A Resolution Prescribing Passenger Limitation for Motorized Vehicles [Board Resolution No. 10 – 2016];

K. Pagpupulong noong ika-2 ng Disyembre, 2016

  1. A Resolution Decommissioning Two-Stroke Motorcycles [Board Resolution No. 11 – 2016];
  1. A Resolution Granting Free Annual Check-Up for Baliwag TODA Members [Board Resolution No. 12 – 2016];
  1. A Resolution Giving Training and Livelihood Programs for the Benefit of Baliwag TODA Members [Board Resolution No. 13 – 2016];

D. Pagpupulong noong ika-6 ng Enero, 2017

  1. A Resolution Decommissioning Two-Stroke Private Motorcycles [Board Resolution No. 1 – 2017];
  1. A Resolution Setting a Deadline for the Registration of Private Motorcycles [Board Resolution No. 2 – 2017];
  1. A Resolution Instructing the Baliwag Traffic Management Office (BTMO) and the Business Permit and Licensing Office (BPLO) to Conduct Dialogue with the Baliwag TODA Members [Board Resolution No. 3 – 2017];

E. Pagpupulong noong ika-2 ng Pebrero, 2017

  1. A Resolution Reopening the Application for Tricycle Franchise [Board Resolution No. 4 – 2017];
  1. A Resolution Granting the Request of the Baliwag TODA Federation to Increase Tricycle Fare in the Amount of Five Pesos (Php 5.00) [Board Resolution No. 5 – 2017];

F. Pagpupulong noong ika-16 ng Marso, 2017

  1. A Resolution Including the Baliwag Traffic Management Office (BTMO) as Part of the BTFRB Secretariat [Board Resolution No. 6 – 2017];
  1. A Resolution Denying the Request of K-Servico to Include Bajaj RE as Another Transportation Vehicle with Similar Treatment as the Traditional “Motorcycle with Sidecar” [Board Resolution No. 7 – 2017];
  1. A Resolution Instructing the Secretariat to Conduct Study in the Registration of Private Tricycles [Board Resolution No. 8 – 2017];
  1. A Resolution to Conduct Dialogue with the Non-Baliwag TODA Members [Board Resolution No. 9 – 2017];

G. Pagpupulong noong ika-21 ng Abril, 2017; Related Article: PAGPAPAREHISTRO NG PRIBADONG TRAYSIKEL, PAGKAKANSELA NG PRANGKISA SA MGA HINDI TAGA-BALIWAG, AT IBA PA

  1. A Resolution on the Registration of Private Tricycles Prescribing the Requirements Therefor [Board Resolution No. 10 – 2017];

at,

  1. A Resolution Cancelling the Franchise of Baliwag TODA Members But Non-Baliwag Residents [Board Resolution No. 11 – 2017].

III. ANG TRAYSIKEL, ANG BTFRB AT ANG MGA PAGBABAGONG INILUNSAD

Nagkaroon na ng maraming pagsulong ukol sa pagkilala sa traysikel sa natatangi nitong gampanin sa larangan ng transportasyon simula pa man sa panahon ni dating Pangulong Marcos. Subalit ang pagkilalang ito ay may kaakibat na responsibilidad, hindi lamang sa mga nagmamaneho nito, kundi maging sa mga nagpapatupad ng batas hinggil dito, gayundin ang mga mananakay.

Hindi lang matatapos sa adhikaing kanya-kanya – makapagsakay o maihatid, o mapamahalaan ang lahat, kundi sa isang layunin na ito ay maging daan lamang sa pag-unlad ng lahat. Magkakaroon ng saysay ang lahat ng ito kung makikita ang natatanging gampanin ng bawat isa sa ating pamayanan, at ito ay igagalang at magiging basehan pa ng mga makabuluhan at positibong pagbabago. (END)

Tricycles are a popular means of transportation, specially in the countryside. They are, unfortunately, being allowed to drive along highways and principal thoroughfares where they pose hazards to their passengers arising from potential collisions with buses, cars and jeepneys.

The operation of tricycles within a municipality may be regulated by the Sangguniang Bayan. In this connection, the Sangguniang concerned would do well to consider prohibiting the operation of tricycles along or across highways invite collisions with faster and bigger vehicles and impede the flow of traffic.

~ Senator Aquilino C. Pimentel, Jr., the principal author, and sponsor of the bill that eventually has become to be known as the Local Government Code as cited in LAND TRANSPORTATION OFFICE vs. CITY OF BUTUAN, G. R. No. 131512, January 20, 2000

FROM THE AUTHOR: Layout and/or preview of this article may vary from the original design. The article is written in vernacular (normal font). Those expressed in English are legal citations (blockquoted).

Related Articles:

  1. Pagpaparehistro ng Pribadong Traysikel, Pagkakansela ng Prangkisa sa mga Hindi Taga-Baliwag, at Iba pa;
  2. Sitting Pretty sa Baliwag

 

 

 

Advertisements

4 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s