Bakit Baliwag dapat ang Sentro ng Edukasyon at Komersyo ng Bulacan?

Noong araw pa man sikat na ang Baliwag. Wala itong maipagmamalaking beach na kasing ganda ng Boracay o kaya ay kasing sikat ng Mayon Volcano pero ang Baliwag ay naging pamoso dahil sa mga kumpanya at produkto na ginagawa nito. Barko, bus, unibersidad at lechon manok. Ang kagandahan ay puro matatatag na mga kumpanya. Bukod pa dito ay dala-dala ng bawat Baliwagenyo ang galing at husay mula sa paggawa ng silyang inimbute o ng buntal hat o kaya maliliit na piyesa ng eroplano.

image-0-02-06-7b6033a2317805e7d168762ceb8dbfa08529f8b1b84791596303b33853f86429-V
Ang Baliuag Clock Tower ay matatagpuan sa sentro ng Plaza Naning o dating Plaza Publica de Baliuag na kung saan unang naganap ang halalang sibil sa buong Asya. Sa likod ng Tower Clock ang napakasiglang palengke na bukas 24 oras.

Noon pa man, Baliwag na ang isa sa pinakatanyag na bayan ng lalawigan ng Bulacan. Dahil ito ay pinalad na maging dugtungan ng marami pang mga karatig bayan. Ito ang dahilan kung bakit masigla ang public market nito. Ang kanyang pamilihang Bayan ay bukas 24 oras at tila walang kapaguran. Marahil, sa buong lalawigan, Baliwag lamang ang may ganitong klase ng operasyon ng palengke. Sa umaga ay regular na pamilihan na pinaliligiran pa ng napakadaming establisyimento. Sa katunayan, ang maliit na pwesto nga dito ay umaabot ng 35,000.

Transportation Hub

Dahil sa ito ay junction ng maraming bayan, dito din mayroong 24 oras na transportasyon – tricycle, jeep, uv express at siyempre bus. Nandito ang head office ng Baliwag Transit na mayroong koneksyon sa marami pang mga bayan at lungsod sa Luzon.

Baliuag Night Market

Bukod sa ito ay mayroon 24 oras na pamilihang bayan, bagsakan din ito ng gulay. Unang night market sa lalawigan. Sa paligid ay libong mga establisyimentong nagpapasigla pa sa kalakalan dito.

Metro Baliwag

Ang Baliwag ay sumasalo pa sa 14 nitong karatig na bayan. Apat na bayan ng Pampanga at walong bayan sa Bulacan. Kaya nga libong aplikasyon ng prangkisa ng tricycle ang pinoproseso dito. Mayroong 5 libong tricycle ang Baliwag at higit 7 libo mula sa karatig bayan. Ito kasi ang pangunahing sasakyan patungo sa bayan ng Baliwag kung saan naroon ang pamilihang bayan, mahigit 40 bangko at 20 kolehiyo at unibersidad.

Sentro ng Edukasyon

Ang Baliuag Baliuag University ang kauna-unahang autonomous deregulated educational institution sa buong Central Luzon, isang karangalan na nasa Baliuag ito. Dahil iyan sa sipag at talino ni Dr. Alicia S. Bustos. Siya rin ang Chair Emeritus ng Philippine Association of Colleges and University. Si Dr. Patricia Bustos-Lagunda ay sumunod sa yapak ng kanyang ina na si Dr. Alicia Bustos. Bukod sa siya ay nahirang na ikalawang pangulo ng Baliuag University, siya din ay nasa Board ng College of the Holy Spirit, PACU at PERAA. Wala man nga ang Bulacan State University sa Baliwag ay mayroon naman itong Baliuag Polytechnic College, isa sa mga iilang LGU-owned at LGU-funded project. Naririyan din ang Fernandez Colleges, STI Colleges, Montessori de Sagrada Familia, ICSB, MICB, ACLC, Microlink, LACA, St. Mary’s College at Northbend School.

Mariano Ponce High School

Ang Ponce ang isa sa pinakamalaking national HS sa buong lalawigan at kilala bilang lunduyan ng mga propesyunal nagpakadalubhasa sa medisina, sining at agham. Si Ka Tani o Nathaniel Cruz ng GMA News and Current Affairs, Jaime Santiago na may-ari ng isa ss pinakamalaking advertising agency sa  buong bansa. Si Eugene Demata na Chief Creative Officer ng Tribal DDB sy mula din sa Ponce. Bagamat ito ay sinasabing public school, hindi ito naging dahilan upang kapusin ito sa mga magagaling na mga Baliwagenyo. Naging Tsanselor ng Unibersidad ng Pilipinas – Diliman at ngayon ay Pangulo ng Manila Tytana (dating Manila Doctors Colleges ng Metrobank) si Sergio S. Cao na isang graduate ng Ponce. Si Rene at Gigi Simbulan ng Simbulan Industries ay dito rin mga nagsipagtapos.

FEU, DLSU at UA&P

Si Teodoro Evangelista, naging pinakabatang Executive Secretary ni Pangulong Quirino ay taga-Tibag at naging pinakamatagal na naging Pangulo ng Far Eastern University. Sa kanya nga ipinangalan ang Teodoro Evangelista High School. Si Bro. Andrew Gonzales naman na naging Presidente ng Dela Salle Univerisity ay taga-Baliuag din, ay nagmula sa lahi ni Dr. Joaquin Gonzales na nagpaggamit ng lumang munisipyo. Nagsilbi namang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon si Bro. Andrew noon panahon ni Pangulong Erap Estrada. Si Dr. Mario Camacho, ikalawang Pangulo ng University of Asia and the Pacific ay Baliwagenyo din, mula sa mayamang angkan ng mga Camacho.

 

St.Paul, St. Mary’s at ang Bulacan Division

Kung hindi nga ba naman isang pagkakataon ay parehas na taga-Baliwag ang Chairman ng St. Paul University System at St Mary’s Colleges (RVM) Schools. Sina Sr. Lilia Tolentino at si Sr. Anicia Co ay mga Baliwagenya na naglingkod sa simbahan at naging mga haligi ng pang akademikong komunidad at patuloy na umuukit upang mapaunlad ang sistemang pang edukasyon ng ating bansa.

Panghuli, naging tampulan na ng tuksuhan sa Division School of Bulacan na nakopo nga ng mga taga Baliwag ang bilang ng mga district supervisors sa buong lalawigan ng Bulacan. Nagpapatunay na mataas ang pagpapahalaga ng mga taga Baliwag sa edukasyon, hindi lamang mag-aral kung hindi makapagturo at humubog ng marami pang mga kabataan. Iyan nga ay sapat na upang masabi na Baliwag ay Sentro ng Edukasyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s