Baliwag City

PosterMaker-1514738048774.png

Take a look at us now.

Take a look at us now.

 

 

Advertorial

You may submit advertorial subject to editorial approval.

$20.00

 

 

 

  • Maagap na pagbabalita.
  • Maaasahang impormasyon.
  • Magiliw na pakikipagkapwa.
  • Magkakatuwang na pagbalikat sa responsibilidad.
  • Mahusay na pagganap sa tungkulin.

BRGY. POBLACION HINDI NAGPATALO LABAN SA KOPONAN NG BRGY. TIAONG .

Nito lang February 14 araw ng mga puso, “PUSO” yan ang ginamit na sandata ng brgy. Poblacion para makamit ang unang panalo kontra brgy. Tiaong at upang pigilan ito sa nalalapit nilang kampyonato.

Bagamat bigo sa kanilang naunang dalawang laro, muling bumangon upang patunayan at idipensa ang kanilang korona sa 2nd MFVE Inter Barangay Basketball Tournament. Ito ay pinangunahan ni Rivera ng brgy. Poblacion na nakapagtala ng 28 pts, 6 rebounds, 6 assists, 4 steals, 1 shot block.

Samantala, hindi nasungkit ni Javier ng brgy. Tiaong ang inaasam na panalo na nag-tala ng 23 puntos at 12 rebounds. Isang panalo nalang magwawagi na ang koponan ng brgy. Tiaong. Masusungkit kaya?

Atin po’ng abangan ang susunod na labanan at pagtatagisan ng lakas  ngayong biyernes, ika-16 ng pebrero sa ganap na ika pito ng hapon (7pm). please like our page @SDOBaliwag  for more updates and live videos.27857873_1841307642622890_7144274473801636972_n.jpg

Environmental Awareness Seminar, isinagawa!

kawani
Mga Kawani ng Pamahalaang Bayan

Ang tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ay  nagsagawa ng Environmental Awareness Seminar noong ika-14 ng Pebrero, taong kasalukuyan. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng homeowner’s association (Milflora) para sa unang batch at mga kawani ng ating pamahalaang bayan para sa ikalawang batch.

Tinalakay sa naturang seminar ang Tamang Pamamahala ng Basura at ang Kahalagahan ng Segregasyon. Ito ay bahagi ng malawakang kampanya na mahikayat ang pagkakaroon ng aktibong partisipasyon ng iba’t-ibang sektor sa ating lipunan upang makagawa ng mga positibong aksyon bilang tugon sa mga isyung pangkalikasan.

Layunin ng seminar na ito na maipaliwanag sa mga Baliwagenyo ang kanilang mahalagang papel sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Gayundin, mamulat at magkaroon ng kaalaman patungkol sa mga batas o ordinansang pangkapaligiran na ipinatutupad sa bayan ng Baliwag.

milflora
Milflora Homeowner’s Association

 

Magkaangkas na nasuro ng Starex, patay.

28080359_2047867685239903_1496822042_oKanina lamang bandang 1:40 ng madaling araw ay may nirespondehan ang Baliwag Rescue FVE mula sa tawag ng Public Assistance and Complaint Center (PACC) sa kahabaan ng Tarcan-Makinabang. Parehong nasa edad 26 ang dalawang (2) lalaki na sinabing nasuro ng Starex ayon sa ilang saksi na pawang residente ng Brgy. Makinabang. Ang dalawa ay tinakbo sa ACE Medical Center at Baliwag District Hospital ngunit naideklara ding patay ng mga doktor. Walang makapagbigay ng iba pang detalye dahil na din sa iilan ang saksi, bilis ng pangyayari at dilim ng lugar. Sa kasamaang palad, ang nangyaring aksidente ay hindi naabot ng kuha ng ating CCTV kaya’t palaisipan pa din kung paano nangyari ang buong insidente.

Mgsilbi pong babala para sa lahat na magingat at palaging magsuot ng helmet sa pagmomotorsiklo.

 

28169598_2047867681906570_721445434_o

“Hindi ko kailanman inabuso ang kapangyarihan, pero alam ko kung kailan ito dapat gamitin!” – Mayor Ferdie

Baliwag Municipal Compound – Iyan nga ang mga katagang sinabi kanina ni Mayor Ferdie V. Estrella sa kanyang talumpati sa kanyang lingguhang mensahe sa flag ceremony. Aniya, “sa aking mahabang panahon ng paglilingkod mula ng ako ay maging SK Chairman hanggang maging Punongbayan, hindi ko kailanman ginamit o nilagay sa aking ulo ang posisyon at kung ano ako noon ay ganoon pa din ako ngayon. Hindi ako umabuso sa kapangyarihan ngunit alam ko kung kailan ito dapat gamitin.”

Ang lahat ng ito ay nag-ugat sa reklamo na inihain ng Department of Education matapos na pasukin, gibain at sirain ang opisina ng PTA ng walang abiso o permiso mula sa ahensiya.


Hindi dahilan na kapag ito ay pag-aari ng gobyerno ay maaari na itong tayuan basta-basta. Mayroong mga institusyon na dapat pagpaalamanan at mayroong tamang proseso na dapat gawin. Katulad na lamang ng Barangca ECCD/Daycare. Kinailangan pa nga na himingi ng permiso sa DEPED na makasakop ng isang metro bago nga matuloy ang konstruksyon nito.

Kung Malacanang ang may ari ng lupa na iyon ay magagawa kaya niya na basta patayuan ito? Dahil ba guro, mag-aaral at magulang lang ang may hurisdiksyon dito ay basta-basta lang aagawan at kakayan-kayanin? May batas at panuntunan na pinaiiral sa alinmang institusyon. Tungkulin ng isang kawani ng pamahalaan na protektahan ito.

Hindi katwiran na mga taga-Sta. Barbara din naman ang makikinabang dito. Hindi ba mga taga-Sta. Barbara ang makikinabang sa lahat ng mga proyektong aking ibinababa. Paano makikinabang ang taga-Sta. Barbara kung tinatapunan ng mga pinaghugasan ng barangay ang loob ng eskwelahan. Hindi kaya higit na tunay na mas makikinabang ang ating mga kababayan kung sa isang lupa ng munisipyo maitatayo ang bagong barangay hall ng Sta. Barbara na plano ni Mayor Ferdie ngayon taon.

Maloloko ang tao isang beses, dalawa, ngunit hindi sa habang panahon.


Brgy. Tiaong kailangan na lang ng 1 panalo para makamit ang korona ng 2nd MFVE “Liga ng Bayan” inter brgy. basketball league.

Feb 12

Muli na naman nangibabaw ang galing at husay ng mga manlalaro ng brgy. tiaong kagabi upang kunin ang kanilang ika lawang panalo laban sa brgy. poblacion  sa ating best of 5 finals game na idinaos sa makaysayang baliwag star arena kagabi. pinangunahan ng 6 ft 2 na si e. javier  ang brgy tiaong na nakapag tala ng 29  pts.  13 rebounds 2 assits 2 steals 2 shot blocks. samantala hindi umubra ang  bangis nina carlos at rivera ng  brgy. poblacion na nag tulong para makuha ang kanilang unang panalo subalit hindi nagtagumpay. nagtala si carlos ng 16 pts. 7 reb. 2 ass. 2 stl 3 blks para buhatin ang brgy. poblacion, abangan sa darating na miyerkules feb.14 sa ganap na 7:00 ng gabi kung tatapusin na ba ang laban ng brgy. tiaong or hihirit ang brgy. poblacion warriors.

Lasing na motorista, sanhi ng ilang aksidente sa kalsada

Nito lamang madaling araw ng sabado at linggo ilang aksidente na naman sa single na motor ang narepondehan ng Baliwag Rescue FVE na karaniwang dulot ng matinding pagkalasing. Ang ilan ay nangyari sa kahabaan ng Ultra Mega at Pagala highway. Kadalasang gasgas at ilang bali sa katawan ang karaniwang natatamo ng mga naaksidente.

Madalas ang ganitong pangyayari tuwing sasapit ang weekends kaya’t paulit-ulit ang paalala ng aming tanggapan sa palagiang pagiingat at iwasan na ang pagmamaneho ng motor lalo’t nasa impluwensya na ng alak dahil higit na mahalaga ang buhay kaysa sa panandaliang pagsasaya.IMG_20180211_215506.jpg

B! ALERT (Baliwag All Ladies Emergency Response Team

Nitong nakaraang Pebrero 07, 2018 ay pinulong ng Lokal na Pamahalaan ng Baliwag sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella ang ibat ibang organisasyon o institusyon na maaring maging katuwang ng pamahalaang lokal sa programang B!ALERT na inisyatibo ng Punong Bayan.

Ang Baliwag All Ladies Emergency Response Team (B!ALERT) ay isa sa mga programa ng pamahalaang bayan upang ipamahagi ang mga kaalaman at kasanayan ukol sa kahandaan sa sakuna o trahedya.

Ang nasabing programa ay bubuuin ng mga baliwagenya o mga kababaihan na boluntaryong magiging katuwang ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng Disaster Preparedness initiatives.

Dumalo sa pagpupulong ang mga representante ng Fernandez Colleges, Baliwag Polytechnic College, Baliwag Water District, Baliwag North and South District, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Early Childhood Care and Development Teachers and Parents upang magpakita ng suporta at interes sa nasabing programa.

Nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng MDRRMO at ng mga partisipante ukol sa magiging daloy ng programa na inaasahang ilunsad kasabay ng Women’s Month Celebration and Fire Consciousness Awareness Month sa buwan ng Marso.

Naging matagumpay ang nasabing pag uusap na kung saan maging ang Pamunuan ng nga Paaralan ay nakita ang posibilidad na maging kabahagi ng Pamahalaan ang mga Mag aaral sa pag papalaganap ng Disaster Preparedness sa komunidad.

KONSEHO NG NUTRISYON: MAAYOS NA KALUSUGAN NG BAWAT BALIWAGENYO

Nito lamang Pebrero 06, 2018 ay nagkaroon ng pagpupulong ang miyembro ng Baliwag Nutrition Council na pinangunahan ng Punong Bayan Ferdie Estrella. Ang pagpupulong ay tumuon sa mga isyung pang kalusugan ng bawat baliwagenyo na ninanais ng Lokal na Pamahalaan na mas maiangat pa ang estado at matiyak na ang bawat mamayan ay malusog at magkaroon ng serbisyong pang kalusugan mula sa ating pamahalaan.

Tinalakay ang magkakatuwang na pag tugon sa mga pangangailangan ng mga batang Baliwagenyo na nasuring may malnutrisyon. Mula sa 190 na mga bata nuong nakaraang taon ngayon ay nasa kumulang 120 nalamang na mga bata ang nasa nutrition program ng bayan na patuloy na nagpapakita ng magandang pagbabago sa kanilang timbang.

Nagkaroon ng pagsasalaysay ang bawat departamento alinsunod sa kanilang magiging importanteng parte sa pagtitiyak na ang mga batang ito ay patuloy na gumanda ang nutrisyon at maayos na marehabilitate tungo sa mas malusog na pangangatawan.

Tiniyak ng Punong Bayan Ferdie Estrella na ang bawat programang naka angkla sa pag resulba sa suliraning pangkalusugan ng bawat mamamayan ay tututukan nyang personal at bibigyan ng higit na suporta at prayoridad upang matiyak na ang bawat batang baliwagenyo ay makatanggap ng ayuda at suportang kinakailangan upang maisayos ang kanilang kalusugan.

Matatag at tiwala ang Pamahalaang Lokal ng Bayan na mareresulba ang mga suliranin sa kalusugan ng mga baliwagenyo dahil sa magkakatuwang na pag tutulungan ng bawat isa tungo sa mas malusog na pangangatawan ng bawat mamayan.

Dahil sa bayan ng Baliwag, walang sino man ang Maiiwan!

#baliwag #baliwagnutritioncouncil #wastongnutrisyonparasalahat

Bukas na Liham para sa aking mga Kabarangay sa Sta. Barbara, Baliwag

(SIPI ng) BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA TAGA STA. BARBARA, BALIWAG

Mahal kong mga kababayan,

Bilang ama ng Bayan ng Baliwag, hangad ko ang kabutihan at kagalingan ng higit na nakararami sa ating mga kababayan.

Kaya naman simula nang maupo ako bilang inyong Punongbayan, nagpaalala po tayo, nakiusap, namanhik – na sana naman ay maiayos ang lahat nga mga pagkakaiba sa usaping pulitika, upang maisulong natin ang tunay na diwa ng Serbisyong May Malasakit sa ating bayan.

Bilang lingkod bayan, tungkulin kong tugunan ang mga hinaing ng ating mga kababayan, at ituwid ang mga pagkakamali ng mga opisyal sa aking nasasakupan, dahil ito ang nararapat.

Para sa kabatiran ng lahat, isa-isahin po natin ang patunay:

1. ANG BAGONG CHILD-FRIENDLY GATE AT SAFETY BAY NG STA. BARBARA ELEMENTARY SCHOOL (ES)

Ang pagpapagawa ng bago at ligtas na school gate sa lahat ng public schools sa Baliwag ay tugon ng Munisipyo upang matiyak na ang mga mag-aaral natin ay nakapapasok at nakalalabas ng paaralan, protektado sa banta ng panganib sa kalsada tulad ng vehicular accident. Gayundin, para matiyak na may sapat na babaan at sakayan upang hindi makaabala sa daloy ng trapiko na angkop na angkop sa Sta. Barbara ES dahil nasa tabi ito ng national highway.

Nang idinulog ang proyektong ito sa pamunuan ng barangay Sta. Barbara, hindi kaligtasan ng mga mag-aaral ang naging pangunahing konsiderasyon ng barangay, bagkus ay ang magiging epekto nito sa nakatayong waiting shed. Napag-alaman namin na hindi naman pala mga magulang ng mag-aaral ang nakikinabang dito, dahil extension na pala ito ng barangay hall, gaya ng mga ulat na ipinarating sa amin. Gayunpaman, matapos ang matagal na pakiusapan ay natuloy ang proyekto, subalit matigas pa ring tinutulan ng inyong Kapitan ang paggiba sa waiting shed, sa kabila ng pagsang-ayon ng DepEd at pamunuan ng PTA ng paaralan na alisin na ito.

Para sa kaalaman ng lahat, ang lupang pinagtayuan ng waiting shed ay pag-aari ng DepEd, kaya sila ang may karapatan kung paano ito gagamitin sa proyektong kapaki-pakinabang sa kanilang mga mag-aaral. Subalit, taliwas sa pinupunto ni Kapitan na nagsisilbi itong hintayan ng mga magulang, naging extension na pala ito ng Barangay Hall kung kaya’t hindi naman talaga ito masasabing waiting shed.

Ibig pong sabihin, ng isinusulong po natin ay pagtatama sa mga maling pagawain noon. Gaya rin ng pagtatamang gagawin natin sa kinalalagyan ng inyong barangay hall na kasalukuyang nakatayo sa lupang pag-aari pa rin ng DepEd. Ngayong 2018, naglaan na tayo ng pondo para sa pagpapagawa ng bagong Sta. Barbara Barangay Hall sa lupang pag-aari ng Pamahalaang Bayan.

2. GINAWANG EXTENSION OFFICE NG BARANGAY ANG PTA OFFICE

Hindi lang waiting shed ang naging extension, ang gusaling pinagawa ng CIBAC Partylist para sa PTA ng Sta. Barbara ES ay walang abisong pinasok para gawing extension office ng barangay. Ayon sa DepEd, WALANG PAHINTULOT mula sa kanila ang ginawang ito ni Kapitan at nagdulot ng takot at pagkadismaya dahil ito, anila, ay malinaw na pang-aabuso sa kapangyarihang mayroon ang Kapitan.

Kaya naman nagpatulong na ang DepEd sa PNP upang mapigilan si Kapitan sa iligal na pagpapagiba ng gusali sa loob ng paaralan, na nagdulot na ng pangamba sa mga guro at mag-aaral.

Nakarating na nga rin po sa atin ang sumbong at suhestyon ng ilang mga taga-Sta. Barbara, na dapat anila ay tanggalin na lamang ang diumano’y kama at mga nakahilerang rubber shoes sa barangay hall upang lumuwag ito, at hindi na kailangan pa ang extension office.

3. PAGKA-ANTALA SA PAGLALAGAY NG LIBRENG WIFI SA BARANGAY

Proyekto din po ng inyong lingkod ang pagkakaroon ng libreng wifi access sa mga barangay at kasama po ang Sta. Barbara sa unang batch na lalagyan nito. Ang nangyari, lahat ng barangay na kasabay nito ay may libreng wifi na maliban sa Sta. Barbara dahil sa paulit-ulit na pag-usisa ni Kapitan sa kabila ng paulit-ulit na pagpapaliwanag ng contractor. Ang tanong ng inyong lingkod: Bakit kailangang harangin ang isang programang libreng ibinibigay ng munisipyo para sa barangay?

4. ANG PAGPAPATAYO NG STA. BARBARA HIGH SCHOOL

Setyembre 2017 nang magkaroon ng groundbreaking para sa itatayong Sta. Barbara High School na joint project ng Munisipyo at Kapitolyo. Hindi maitatanggi ang malaking pakinabang na idudulot nito, hindi lamang sa mga kabataan ng Sta. Barbara, kundi maging sa mga kalapit-barangay.

Pebrero 2018 na po ngayon subalit wala pang nasisimulang konstruksyon sa lugar dahil sa muling pagharang. Dahil sa kabila ng permit na binigay ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) na putulin ang ilang puno sa lugar, pinigilan ito ni Kapitan.

May mga nakarating po sa ating sumbong na, diumano’y gustong kumolekta ng P500 kada punong mapuputol ang barangay, at hinihingi rin nila ang kahoy.

Ngayong linggo lamang tuluyang nasimulan ang paghahawan sa site ng itatayong paaralan na sana ay noong isang taon pa nasimulang pagtayuan ng gusali.

Mga minamahal kong kababayan, alam naman natin na sa bawat isyu, laging may dalawang panig, pero isa lang po ang nagsasabi ng katotohanan.

Sa pinakahuling patawag po ng Punong Lalawigan, Gob. Alvarado, kaugnay ng mga hinaing ng mga mag-aaral at guro ng Sta. Barbara ES, nakarating po sa inyong lingkod ang payo ng ating gobernardor. Binigyang diin niya na magkahiwalay ang hurisdiksyon ng barangay at paaralan, nangangahulugan na dapat may konsultasyon at permiso bilang respeto sa bawat institusyon, bago magpatupad ng mga proyekto na maka-aapekto sa bawat panig.

Gayundin po, nagagalak tayo sa mahalagang pangaral na ibinagi rin ni Gob sa parehong pulong, na dapat sumuporta at makiisa ang Kapitan sa Mayor, gaya ng pagsunod po natin sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa ngalan ng Serbisyong May Malasakit,

FERDIE V. ESTRELLA

Punong Bayan

DepEd Inireklamo ang Ilegal na Pagpasok at Paggiba ng kanilang Gusali

Sta. Barbara, Baliwag, Bulacan – Matapos nga ireklamo ng Department of Education ang ilegal na pagpasok o pagpasok ng walang pahintulot at pag giba nito sa PTA Office ng Sta. Barbara Elementary School, pinaghuhuli umano ng mga operatiba ng PNP Baliwag ang mga naabutang construction workers na lumalabas ay pinahintulutang magtrabaho ni Brgy. Captain Basco Chico subalit ito ay wala namang kaukulang permiso mula sa Department of Education.

Ayon sa mga trabahador, sila ay mga empleyado lamang ng isang construction firm na inutusan na gumawa doon. Itinuro naman ng contractor na iyon ay proyekto ng CIBAC at iyon umano ang itinurong lupa ni Kapitan Cesar Chico kaya’t inisip nila na iyon ay pag-aari ng barangay. Ang barangay hall ng Sta. Barbara ay nakatayo sa lupang pag-aari ng DepEd. Batay sa regulasyon, ang paggamit sa lupa ng isang institusyon ng pamahalaan ay kailangan may permiso nito.

Hindi umano nila alam na sila ay pumasok sa isang DEPED property.

Naghain din umano ng reklamo ang Department of Education sa Tanggapan ng Punonglalawigan dahil sa stress na kanilang inaabot sa pagpapatawag at pananakot sa kanila ni Kapitan Cesar Chico matapos na magissue ng resolusyon ng pagsuporta ang Parent-Teacher Association ng Sta. Barbara Elementary School. Bunsod ito ng pagpapagawa ng Child Protection Bay at Gate Improvement ng Sta Barbara Elementary School upang ligtas na makababa at makasakay ang mga bata sa tuwing sila ay papasok at lalabas ng paaralan. Bukod tangi nga na ang Sta. Barbara ang naaantala ang paggawa dahil sa mga probisyon na nais ng Kapitan.

Hindi lang Waiting Shed

Higit ngang mas malalim ang isyu na ito tungkol sa waiting shed. Ito ay patungkol sa paggalang sa mga institusyon ng pamahalaan at hindi ang paghariharian na maaring gawin nino man miski tapakan ang karapatan ng iba.

Hindi naman dapat ganyan ang pakikitungo sa mga guro. Hindi pwedeng puro pananakot at pansariling interes ang dapat manaig, ani Mayor Ferdie.

Hindi lingid sa ating kaalaman na matagal ng mayroong isyu ng pagbalewala sa karapatan ng tao dyan sa Sta. Barbara. Pinapasok ang bahay, pananakot at pagpigil sa motorista at pedestrian.

Ang Barangay Wifi na kanyang pinigil, Child-Protection Bay, Bagong Sta. Barbara High School, bagong ECCD Center at bagong Barangay Hall sa bagong biniling lupa sa Aldama ang ilan lamang sa proyekto ni Mayor Ferdie sa barangay Sta. Barbara.

“Ang daming proyektong nakalatag para sa Sta. Barbara pero pilit niyang pinapahirapan ang implementasyon nito sa ating mga kababayan diyan sa barangay. Hindi ko makakalimutan ang napakalaking mandato na ipinaabot sa akin ng Sta. Barbara,” pagtatapos ni Mayor Ferdie.